Ang Pagdalaw ng mga Pantas kay Haring Herodes

Si Haring Herodes na Dakila ay lubhang nabagabag nang dumating ang mga Pantas mula sa Silangan. Sinabi nila na sila’y naparito upang sambahin ang sanggol na ipinanganak upang maging Hari.

Ang malupit na Haring Herodes, na itinalaga ng mga Romano, ay natatakot na siya’y mapapalitan ng ibang hari—ang sanggol na si Jesus mismo.

Bagaman si Herodes ay namuno sa Judea, siya ay hindi isang Hudyo. Isa sa marami niyang asawa ay ipinanganak na Hudia. Maaari niyang igiit na si Esau ay isa sa kanyang mga ninuno.

Sa wikang Griyego, ang Herod ay nangangahulugang: bayani o heroic.

Si Haring Herodes na Dakila ay isang Idumeo at ginawang hari noong 37 BC ng mga Romano, at siya’y namatay noong 4 BC.

Paano natin malalaman kung aling Herodes ang tinutukoy?
Mayroong ilang mga lalaking tinatawag na HERODES sa Bibliya, na nagsisimula kay Haring Herodes na Dakila, na namatay sa tagsibol sa pagitan ng ika-29 ng Marso at ika-4 ng Abril, taong 4 BC.

Mayroon ding ilang mga pinunong nagmula sa kanya na binigyan ng Bibliya ng ibang mga pangalan bukod sa Herodes sa kanilang mga titulo, gaya nina Haring Agripa I at
Haring Agripa II.

Ang ama ni Haring Herodes, na kilala bilang si Antipater na Idumeo, ang unang Herodes.


Other slides in this module: