Si Jesus bilang Batang Naninirahan sa Isang Bahay

Natagpuan ng mga Pantas si Jesus sa isang bahay at inihandog nila sa Kanya ang kanilang mga regalo—ginto, kamangyan, at mira. Noon ay nasa pagitan Siya ng siyam hanggang labingwalong buwang gulang. Pagkatapos silang balaan sa isang panaginip na huwag bumalik kay Herodes, umuwi ang mga Pantas sa kanilang bansa sa ibang daan.

Ang bahay kung saan natagpuan ng mga Pantas si Jesus ay malamang na nasa Nazaret ng Galilea, kung saan may pagawaan si Jose, o maaaring nasa Betlehem. Gayunman, hindi sinasabi ng Biblia ang tiyak na lokasyon ng bahay.
Pagkaalis ng mga Pantas, nagkaroon si Jose ng isang panaginip.

Hindi na gaanong nagsasalaysay ang Biblia tungkol kay Jesus hanggang sa Siya ay magsimula ng Kanyang ministeryo. Isa sa mga binabanggit ng Biblia ay na si Jesus ay may ilang mga kapatid na lalaki at babae, sapagkat nagkaroon pa ng mga anak sina Jose at Maria matapos ipanganak si Jesus.

Mateo 2:11-12

At

Lukas 2:39

Karagdagang Impormasyon:

Natagpuan ng mga Pantas ang isang paidion, salitang Griyego na tumutukoy sa batang mas matanda na kaysa bagong silang ngunit wala pang dalawang taong gulang.


Other slides in this module: